MANILA, Philippines - Sinuportahan ng National Telecommunications Commission si Deputy Speaker at Marikina Rep. Romero Quimbo sa kampanya nito laban sa text scams.
Hinangaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba si Rep. Quimbo sa plano nitong pagtugis sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng text messages na maaaring maging banta sa seguridad ng publiko.
Kamakailan lang ay humingi ng tulong si Quimbo sa NTC na mapahinto ang pagpapakalat ng text messages kung saan gamit ang kanyang pangalan at ang Tzu Chi Foundation. Sa text message sinasabing nanalo ng cash mula sa raffle ang nakatanggap ng text.
Ayon kay Cordoba, masusing iimbestigahan ng NTC ang panawagan ni Quimbo dahil hindi lang ang publiko ang nangangamba ang seguridad kundi mismong ang ilang public figure gaya ni Quimbo..
Sa datos ng NTC, noong 2016 nakapagtala ito ng 433 reklamo na may kaugnayan sa text scams at mas marami pa sana ang bilang nito kung lahat ng biktima ay nagsasampa ng reklamo sa NTC.
Sa ngayon may 110 milyong prepaid subscribers kaya naman napakalaki umano ng posibilidad na marami sa mga ito ang sangkot sa text scam dahil sa kahirapan na sila ay matukoy.
“We encourage the public to be vigilant and to report the text scams to NTC,” ani Cordoba.