13 pagyanig sa Mt. Kanlaon naitala - Phivolcs

MANILA, Philippines - Labing-tatlong pag­yanig ang naitala sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volca­nologist and Seismology (Phivolcs) kahapon. Sabi ng Phi­volcs, ang aktibidad ng pagsingaw ng bulkan ay hindi maobserbahan dahil sa makapal na ulap na bumabalot sa tuktok nito. Nakapagtala ang kagawaran ng sulfur dioxide na ibinubuga nito sa ave­rage na 12 tonelada/kada araw.

 Mayroon ding ground deformation ang bulkan na patuloy na sinusukat ng GPS, na nagpapahiwatig na walang makabuluhang pagbabago sa naturang bulkan base sa tala noong nakalipas na taon.       

 Dahil dito, ang Mt. Kanlaon ay nananatili sa alert level one (1) at pinaiiral ang pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).

 Ang Mt. Kanlaon na nasa Negros Island Region ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas na nakapagtala na ng ilang pagsabog sa mga nakalipas na panahon.

 

Show comments