^

Bansa

CPP/NDF offc’ls nag-‘TNT’ na

Joy Cantos, Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
CPP/NDF offc’ls nag-‘TNT’ na
Nagmartsa kahapon ang iba’t ibang militanteng grupo sa Quezon Memorial Circle patungong National Housing Autority para ipanawagan ang tunay na pabahay sa mahihirap at panunumbalik ng peace talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF.
Boy Santos

MANILA, Philippines -  Sumuko sa batas o mistulang mga dagang magtago habambuhay!

Ito ang babala kaha­pon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año laban sa ?may 20 consultants ng National Democratic Front (NDF) na nagsipagtago at namundok na umano kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na arestuhin na ang mga ito.

“The order of the President is very clear, they have already terminated the peace negotiations ... For those who are in jail or are given temporary bail, it follows that their bail were already invalid or canceled so the order is for us to arrest NDF personalities who were released on bail,” paha­yag ni Año na na­ngakong gagawin nila ang lahat upang maaresto ang mga nagsisipagtagong NDF consultants.

Sinabi ni Año na paliit ng paliit ang mundo ng mga NDF consultant kaya makabubuting magsisuko na ang mga ito sa batas.

“Do they really want to spend the rest of their lives hiding like rats? Matagal na tong giyera na ‘eto dapat ti-nake advantage at binigay na ng seryoso yung ongoing peace negotiations. It’s their choice if they want to go in hiding again but the long arm of the law will always catch up to them,” pagbibigay diin ng Chief of Staff.

Sinabi naman ni Año na kabilang umano sa mga nagtatago sa ngayon ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na nakalaya lamang dahil nakilahok sila naunsiyaming peace talks.

Kabilang din sa mga target ng pag-aresto ang mga matataas na lider ng CPP-NPA-NDF na sina Vic Ladlad, Afelberto Silva, Alfonso Jasminez Alfredo Mapano, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ruben Saluta, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna, Renante Gamara, Tirso Alcantara at iba pa.

Nabatid na kinansela na rin ng pamahalaan ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) upang mapabilis ang pag-aresto sa mga ito.

Sinabi ni Presidential Peace Adviser Sec. Jesus Dureza, nabigyan na nila ng notice ng kanselasyon sa JASIG sina NDF chief political consultant Jose Maria Sison at Fidel Agcaoili, ang chairman ng rebel negotiating panel.

Ang JASIG ay pinir­mahan ng GRP peace panel at CPP/NPA/NDF noong Pebrero 1995 kung saan nakasulat ang termination ay maaring gawin matapos ang 30 araw kapag naibigay na ang notice.

Ito rin ang nagbibigay garantiya sa pagtiyak ng kaligtasan at walang magaganap na pag-aresto sa mga negosyador, consultants at iba pang miyembro ng NDF.

Samantala, nagpakalat na ng trackers team ang AFP na makakatuwang ng PNP operatives upang tugisin at arestuhin ang NDF consultants.

EDUARDO AñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with