Bagyong ‘Bising’ namataan sa Surigao

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area sa Mindanao, ayon sa state weather bureau.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 735 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng hapon.

May lakas na 45 kilometers per hour ang bagyong pinangalanang “Bising” at bugsong aabot sa 55 kph.

Gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran ang ikalawang bagyo ngayong taon sa bilis na 13 kph.

Inaasahang sa Miyerkules pa lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.

 

Show comments