MANILA, Philippines - Inisa-isa sa Kamara ang 21 krimen na dapat patawan ng parusang kamatayan nang isalang sa plenaryo ang House Bill 4727 o ang Death Penalty Reimposition bill.
Sa sponsorship ni House Deputy Speaker Fredenil Castro, iginiit nito na agad pagtibayin ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan para maipataw na sa mga gagawa ng karumal-dumal na krimen.
Kabilang sa tinukoy na mga krimen ang may kaugnayan sa possession, pagbebenta at paggawa ng iligal na droga; pagtatanim ng halaman na itinuturing na dangerous drugs, pagmamantine ng drug den, pagtataksil sa bayan o treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, infanticide, murder at rape.
Gayundin ang kidnapping at serious illegal detention, robbery with violence or intimidation of persons, destructive arson, plunder, unlawful prescription of dangerous drugs, misappropriation o misapplication or failure to account for confiscated or surrendered drugs, planting of evidence at carnapping.
Pinabulaanan naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na minamadali ng Mababang Kapulungan ang pagpasa sa Death Penalty bill.
Ayon kay Alvarez, kung titingnan ang rekord ng Kamara ay matagal nang naihain ang naturang panukala, na siya mismo at iba pang House leaders ang may may-akda.