^

Bansa

21 krimen na papatawan ng death penalty tinalakay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
21 krimen na papatawan ng death penalty tinalakay

Sa sponsorship ni House Deputy Speaker Fredenil Castro, iginiit nito na agad pagtibayin ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan para maipataw na sa mga gagawa ng karumal-du­mal na krimen. File photo

MANILA, Philippines -  Inisa-isa sa Kamara ang 21 krimen na dapat patawan ng parusang kamatayan nang isalang sa plenaryo ang House Bill 4727 o ang Death Penalty Reimposition bill.

Sa sponsorship ni House Deputy Speaker Fredenil Castro, iginiit nito na agad pagtibayin ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan para maipataw na sa mga gagawa ng karumal-du­mal na krimen.

Kabilang sa tinukoy na mga krimen ang may kaugnayan sa possession, pagbebenta at paggawa ng iligal na droga; pagtatanim ng halaman na itinuturing na dangerous drugs, pagmamantine ng drug den, pagtataksil sa bayan o treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, infanticide, murder at rape.

Gayundin ang kidnapping at serious illegal detention, robbery with violence or intimidation of persons, destructive arson, plunder, unlawful prescription of dangerous drugs, misappropriation o misapplication or failure to account for confiscated or surrendered drugs, planting of evidence at carnapping.

Pinabulaanan naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na minamadali ng Mababang Kapulungan ang pagpasa sa Death Penalty bill.

Ayon kay Alvarez, kung titingnan ang rekord ng Kamara ay matagal nang naihain ang natu­rang panukala, na siya mismo at iba pang House leaders ang may may-akda. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with