^

Bansa

Hirit ni Enrile ibinasura

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hirit ni Enrile ibinasura

Sa 38-pahinang resolusyon, tinanggihan ng third division ng Anti-Graft court ang motion to quash na inihain ni Senador Juan Ponce Enrile dahil na rin sa kawalan ng merito. Nakasaad pa na hindi maaaring ikumpara ng dating senador ang kaso niya kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo  dahil magkaiba ang factual circumstances ng mga ito. File photo

MANILA, Philippines -  Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Senador Juan Ponce Enrile na mabasura ang kanyang kaso kaugnay sa pork barrel scam.

Sa 38-pahinang resolusyon, tinanggihan ng third division ng Anti-Graft court ang motion to quash na inihain ni Enrile dahil na rin sa kawalan ng merito.

Nakasaad pa na hindi maaaring ikumpara ng dating senador ang kaso niya kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo  dahil magkaiba ang factual circumstances ng mga ito.

Iginiit pa sa desisyon ng korte na hindi katulad sa kaso ni GMA, ang kay Enrile ay sapat ang impormas­yon na nag-aakusa ng sabwatan dahil tinukoy dito mismo ang pangalan ng dating Senador.

Bukod dito, hindi rin maaaring sabihin ni Enrile na walang ebidensiya na ito’y nakipagsabwatan dahil hindi pa naman inilalabas ng prosekusyon ang lahat ng kanilang ebidensya. 

Paliwanag din ng Sandiganbayan na ang sinabi ng Korte Suprema na hindi kailangang kumita ng tig-P50 milyon ang bawat akusado subalit maaaring umabot sa ganitong halaga ang kabuuan ng kanilang kinita. 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->