MANILA, Philippines – Handang-handa na ang lahat para sa pagdaraos ng Miss Universe coronation ngayong umaga sa MOA Arena kung saan ay siniguro ng PNP at AFP ang seguridad ng idaraos na international event.
Ayon kay PCOO Assistant Sec. Ana Marie Banaag, walang kumpirmasyon kung dadalo si Pangulong Duterte sa coronation ng Miss Universe pageant ngayong alas-8:00 ng umaga.
Naunang sinabi ni Toursim Sec. Wanda Teo noong courtesy call sa Malacañang ng Miss U candidates na mayroon silang naka-reserbang upuan para kay Pangulong Duterte sakaling manood ito ng pageant.
Sinabi pa ni Teo, sa tabi niya ang nakareserbang upuan para kay Pangulong Duterte sa unahan kung sakaling magdesisyon itong manood ng Miss U pageant ngayong umaga.
Ayon sa source sa Palasyo, malaki ang posibilidad na manood si Duterte sa Miss Universe dahil dito sa ating bansa ito ginawa sa pagtataguyod ng private sponsors na pinangunahan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Walang ginastos na government funds para dito ganapin ang Miss Universe dahil ito ang kondisyon ni Pangulong Duterte, wika pa ni Sec. Teo.