^

Bansa

‘Oplan Tokhang tuloy pa rin’ – Malacañang

SHOWBIZ UPDATE - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Oplan Tokhang tuloy pa rin’ – Malacañang
Sa panayam ng Radyo ng Bayan, sinabi ni Abella na dapat tandaan na bahagi ng plataporma ng Pangulo ang paglaban sa ilegal na droga at nakita naman umano na malalim talaga ang problema.
File photo

MANILA, Philippines – Ipinahiwatig kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi sususpendihin ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang Oplan Tokhang sa kabila ng kahilingan ng ilang senador matapos mabuko na ginagamit ito ng ilang tiwaling miyembro ng Philippine National Police upang pagkakitaan.

Sa panayam ng Radyo ng Bayan, sinabi ni Abella na dapat tandaan na bahagi ng plataporma ng Pangulo ang paglaban sa ilegal na droga at nakita naman umano na malalim talaga ang problema.

“Again, nuong pumasok po ang Presidente, syempre tatandaan po, huwag po natin kalimutan that this was actually his platform to actually bring cleansing. However, nakikita po talaga natin na napakalalim po talaga ng mga pangyayari,” ani Abella.

Sinabi pa ni Abella na sa nakikita niya, magkasabay na ginagawa ng Pangulo, ang paglilinis ng bansa at ang paglaban sa ilegal na droga at katiwalian.

Sinabi pa ni Abella na naririnig naman ng Malacañang ang sinasabi ng mga miyembro ng lehislatura kasama na ang panawagan na itigil ang Oplan Tokhang matapos mabunyag ang kaso ng kinidnap at pinatay na Korean national na Jee Ick-joo.

Ginagawa rin umano ng Pangulo ang lahat para maisulong ang kanyang plataporma laban sa ilegal na droga.

Idinagdag ni Abella na dahil nagkabukuhan sa ginagawa ng ilang tiwa­ling miyembro ng PNP, inaasahan na mas paiigtingin pa ang kampanya ng gobyerno bagaman at pag-iingatan din ang pagresolba sa problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with