Sa Martial Law ni Duterte, NPC ‘di naalarma
MANILA, Philippines – Hindi naaalarma ang National Press Club sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit nito ng kapangyarihan upang magdeklara ng Martial Law sa sandaling lumala ang kinakaharap na problema ng bansa sa illegal drugs. “Sa mahinahong pagtatasa ng sitwasyon ay masasabing, malayo sa pundasyon ng batas militar, tiniyak pa ni Pangulong Duterte ang pangingibabaw ng batas at pagpapalakas ng demokrasya sa Pilipinas noong maagang bahagi ng kanyang panunungkulan,” wika ni NPC president Paul M. Gutierrez. Tinukoy pa ni Gutierrez ang dalawang mahalagang aksyon ni Pangulong Duterte sa unang bahagi pa lamang ng kanyang termino ng lagdaan nito ang Executive Order no. 2 noong July 2016 at Administrative Order no. 1 noong October 2016 na may kinalaman sa freedom of information. Kaya patunay ito, wika pa ng NPC president, na kinikilala ni Pangulong Duterte ang kalayaan at kapakanan ng mamamahayag na hindi nagawa ng nakaraang administrasyon.
- Latest