^

Bansa

‘Resign Bato, pag-aralan muna’-PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

‘Saka na kapag drug free na ang Pinas’- Dela Rosa

MANILA, Philippines – Hindi kailangang putulin ang ulo kung namamaga lamang ang isang munting daliri!

Ito ang mariing katwiran kahapon ng Philippine National Police sa gitna na rin ng umiinit na panawagan  na magbitiw na sa puwesto si PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na iginiit na kailangan muna itong dumaan sa isang masusing pag-aaral.

“Kapag namaga at nasugatan ang isang maliit na daliri, kailangan bang putulin ang ulo para magamot ito?” tanong ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos matapos na magngitngit ang mga netizens sa pagkakabulgar na sa loob mismo ng Camp Crame pinaslang ng mga pulis ang dinukot na si South Korean trader Jee Ick Joo noong gabi ng Oktubre 18, 2016 o ilang oras matapos itong dukutin sa kaniyang tahanan sa Angeles City.

Kahapon, nag-trending sa social networking sites partikular na sa facebook at twitter ang # Resign Bato  mula sa nagngi­ngitngit na mga netizens na dismayado sa PNP habang nahahati naman ang opisyal ng gobyerno sa isyu kung dapat pang magbitiw sa puwesto si dela Rosa.

Kabilang naman sa mga opisyal ng gobyerno na nanawagan ng pagbibitiw ni dela Rosa ay si  House Speaker Pantaleon Alvarez dahil nagdudulot lamang umano ito ng matinding kahihiyan sa administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.  Samantalang sa panig ng mga Senador,  isa umanong ‘wake up call’ ang kontrobersyal na isyu na hindi dapat balewalian ng Chief PNP.

Nitong Biyernes ng gabi ay sinabi ni dela Rosa na magbibitiw lamang siya sa puwesto kapag si Pa­ngulong Duterte ang nagdesisyon at tinanggal siya sa puwesto.

Inihayag  naman ni dela Rosa  kahapon na nakahanda siyang magbitiw kapag drug free na ang  Pilipinas  at sinabing marami pa siyang dapat tapusin sa anti –drug campaign.

Nitong Huwebes ay nabulgar sa testimonya sa Department of Justice (DOJ) ng isa sa mga suspek na si PO2 Christopher Baldovino na sa mismong bakuran ng Camp Crame pinaslang si Ick-joo ng mga operatiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG).

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na sa kabila ng pinaslang na si Ick-joo ay humingi pa ng ransom na P5 milyon ang mga kidnapper ni Ick-joo sa misis nitong si Choi Kyung Jin na naibigay nito noong Oktub­re 30 ng nagdaang taon pero ang karagdagang hinihirit na P4.5 million ransom ay hindi naibigay dahilan walang ‘proof of life’.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with