Santo Papa babasbasan si Duterte

Photo from Facebook shows Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza kissing the ring of Pope Francis at the Vatican yesterday.
Facebook/Jesus Dureza

MANILA, Philippines – Matapos matanggap ang liham mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng Santo Papa na babasbasan niya ang Pangulo.

Sa isang Facebook post ni Presidential Peace Adviser Jesus “Jess” Dureza, ibinahagi niya ang naging pagtatagpo nila ni Pope Francis.

Nang lapitan aniya siya ng Santo Papa ay binanggit ni Dureza na mula sila sa Pilipinas.

Nasa Rome, Italy sina Dureza at iba pang opisyal ng gobyerno para sa ikatlong round ng pagpupulong sa National Democratic Front of the Philippines.

Dumaan muna sila sa Vatican City upang makita ang Santo Papa sa bacciamano, na ginagawa lamang tuwing Miyerkules.

Nagbigay naman si Duterte ng liham para sa Santo Papa na may selyo pa ng Malacañang.

Show comments