Mas magiging mataas pa ang buwis sa mga sasakyan na halos kapresyo na rin ng mga bago at mamahaling sasakyan sa sandaling pumasa na ang tax reform act ng administrasyon.
Sa House Bill 4774 na naglalaman ng Tax Reform Package, base sa bracket ng halaga ng mga sasakyan ang P600,000 hanggang P1.1 milyon ay papatawan na ng buwis na P24,000 plus 40% na halaga na lagpas P600,000.
Kung ang sasakyan naman ay P1.1 million hanggang P2.1 milyon, P224,000 ang buwis plus 100% ng halaga na lagpas sa P1.1 milyon.
Kung ang sasakyan ay P2.1 milyon pataas, P1.2 milyon na ang buwis nito plus 200% ng halaga na lagpas sa P2.1 milyon.
Papatawan na rin ng buwis ang napapanalunang premyo kasama na ang sa lotto at sa iba pang games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Base pa rin sa House Bill 4774, ang winning o prizes ay papatawan ng final tax na 20%.
Habang libre naman sa buwis ang mapapanalunan dito mula P10,000 pababa.
Maging ang regalo na lalagpas ng P100,000 ang halaga sa loob ng isang taon ay mapapatawan na rin ng 6% buwis.