Palasyo umaasa ng mas magandang relasyon ng Phl-US sa Trump gov’t

MANILA, Philippines - Umaasa ang Malacañang ng mas magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni US President-elect Donald Trump.

“We are optimistic that the Trump administration will respect the Philippines as a sovereign nation. We see a more friendly US government under Trump administration with a better relationship to our country, economically and bilaterally,” ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Itinalagang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa inagurasyon ni Trump sa Enero 20 sina Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. pero ang opisyal na kinatawan ng bansa ay ang Charge d’Affaires ng Pilipinas sa US.

Kahapon ay nagtungo na sa Washington sina Andanar at Esperon.

Sinabi ni Andanar, may imbitasyon mismo si Pa­ngulong Duterte para dumalo sa inagurasyon ni Trump subalit hindi umubra ang schedule ng Pangulo kaya nagpadala ito ng kinatawan.

Ayon kay Andanar, maliban sa inagurasyon ni Trump, magkakaroon din sila ni Esperon ng mga side meetings at kanilang iuulat kay Pangulong Duterte ang resulta ng pagpupulong.

 

Show comments