^

Bansa

‘Kumalma kayo sa martial law’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakalma ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang publiko dahil sa kanilang pangamba sa posibilidad na magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte.

Ayon kay Alvarez, ‘style’ lamang ni Duterte ang pagbibigay ng dramatic statements na magdedeklara siya ng ‘martial law.’

Nais lamang umanong ipakita ng Pangulo ang bigat ng paninindigan nito para tapusin ang problema sa illegal na droga na malala sa bansa.

Iginiit pa ni Alvarez, na imposibleng magpatupad ng batas militar ang Presidente dahil unti-unting nagtatagumpay ang giyera nito laban sa droga at sa katunayan ay pinagtutuunan na nito ng pansin ang laban sa katiwalian pati sa illegal na sugal.

Bukod dito alam din umano ng Pangulo na hindi madali ang pagdedeklara ng martial law dahil bilang abogado ay alam nito ang legal requirements sa ganitong hakbang at hindi rin nito sasayangin ang tiwalang natamo nito sa mga Pilipino pati na sa mga lider ng ibat ibang bansa.

Bukod dito, sinabi rin ni Alvarez na alam ni Pa­ngulong Duterte na mahirap ideklara ang batas militar lalo na kung wala ang mga legal requirements para dito katulad ng invasion o rebellion.

Sa tanong na dapat ang Pangulo ang pagsabihan na tigilan ang pagbabanggit ng martial law, sinabi ni Alvarez na mahirap ito dahil freedom of expression niya ito at hindi ito ipokritong tao. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

KUMALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with