^

Bansa

Andanar, Esperon kinatawan ni Digong sa Trump inaugural

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapadala na lamang ng kanyang kinatawan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa inagurasyon ni US President Donald Trump sa darating na Enero 20.

Ang magiging kinatawan ni Pangulong Duterte sa Trump inaugural ay sina Presidential Communications Sec. Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon.

“Ang mga Amerikano po talaga ang nandiyan para i-celebrate iyong inau­guration because this is totally a domestic event,” wika pa ni Andanar.

Ang oath-taking ni Trump ay gagawin sa Ene­ro 20 bilang ika-45 pangulo ng Estados Unidos.

Magugunita na nag-usap sa telepono sina Pangulong Duterte at Trump noong unang linggo ng Disyembre 2016 kung saan ay binati ni Duterte si Trump sa kanyang panalo. Inimbitahan pa ni Trump si Duterte na bumisita ito sa White House habang kinumbida naman ni Duterte si Trump na dumalo sa ASEAN 2017.

 

vuukle comment

ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with