9 opisyal sa PDAF, Malampaya scam sinibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Dinismis sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman ang siyam na opisyal ng gobyerno mula sa National Council for Muslim Filipinos (NCMF) at Department of Agrarian Reform (DAR) gayundin ang Chief for Political Affairs matapos mapatunayang guilty sa pagkakasangkot sa pork barrel scam at Malampaya scam.
Kasong Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service ang kinakaharap ng mga opisyal ng NCMF na sina Mehol Sadain, Fedelina Aldanese, Galay Makalinggan, Sania Busran, Aurora Aragon-Mabang, Olga Galido; at Michael Benjamin, political affairs chief ni dating Senator Gregorio Honasan.
Hindi na pinapayagan pa ng Ombudsman na magtrabaho sa alinmang tanggapan sa gobyerno ang mga akusado. Kung wala na sa serbisyo, ang parusa ay multa na kasinghalaga ng sahod nila noon para sa isang taon sa gobyerno.
Sinasabing ang naturang mga akusado ay nagkutsabahan umano sa preparasyon, proseso at approval ng Memorandum of Agreement at sa PDAF documents para sa pagpapatupad ng proyekto at paglabas ng pondo sa Focus Development Goals Foundation, bilang NGO partner.
Natuklasan ng Ombudsman na noong April 2012, ang Department of Budget and Management ay nagpalabas ng P30 million na bahagi ng PDAF ni Honasan para sa NCMF bilang implementing agency. Ang pondo ay laan sana sa small and medium enterprise/livelihood projects para sa mga Pilipinong Muslim sa NCR at lalawigan ng Zambales.
June 2012 inindorso ni Honasan ang Focus Development bilang NGO-partner kahit walang compliance sa procurement regulations.
Samantala, sinibak din sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman sina Teresita Panlilio at Ronald Venancio ng DAR matapos mapatunayang guilty sa Grave Misconduct. Ang mga ito ay hindi na rin pinapayagan ng Ombudsman na magtrabaho sa gobyerno.
Si Panlilio at Venancio ay ilan lamang ?sa 25 respondents ?sa 2 counts ng plunder at multiple graft at malversation dahil sa pagkakasangkot sa illegal diversion ng P900 million mula sa Malampaya funds.
Ang P900 million ay naipagkaloob sa DAR at pambibili sana ng mga agricultural kits sa mga magsasaka pero ang pondo ay naidaan sa 12 NGO ni Janet Napoles na sa huli ay hindi naman naipamigay sa mga benepisyaryo at naging ghost projects lamang.
- Latest