^

Bansa

De Lima nakatitiyak na gusto siyang ipapatay ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakakasiguro si Sen. Leila de Lima na kabilang siya sa nais umanong ipapatay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna nang tuloy-tuloy na kampanya nito laban sa ilegal na droga.

Ayon kay de Lima, kung may masamang mangyayari sa kanya ay walang ibang responsable dito kung hindi ang Pa­ngulo.

“And I’m making him responsible if something happens to me. Take my word, or note my word: if something happens to me, he (Duterte) is the one responsible, directly or indirectly dahil ginagawa nila akong ano eh...paulit-ulit nila akong dine-demonize,” ani De Lima.

Sinabi pa ni de Lima na kahit pa sinabi ng Pa­ngulo na wala siyang inuutusan kahit na isang pulis na patayin siya, lu­malabas kabaliktaran ang gusto niyang mangyari.

Inulit pa ni de Lima ang bahagi ng talumpati ng Pangulo kung saan nabanggit nito ang kanyang pangalan matapos magbabala na mamatay ang mga mayors na sangkot sa droga na hindi magbibitiw sa kanilang posisyon.

“Basta sumunod lang. Go out and hunt for them. Arrest them if still possible. If not, then, if it presents a danger to you, puts up a violent resistance, jeo­pardizing your life, shoot. That has always been my order… Magtanong ka ng isang pulis dito, kung may sinabi ako na patayin mo yang si  De Lima…” bahagi ng talumpati ng Pangulo na binasa ni de Lima

Sinabi pa ni de Lima na masyadong nakakapag-alala na ang nasabing bahagi ng talumpati ng Pangulo at itinuturing na niya itong isang malaking banta.

Kaugnay nito, sinabi ni de Lima na balak na niyang magpasaklolo sa Supreme Court para sa kanyang kaligtasan.

SEN. LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with