^

Bansa

Digong walang cancer - Pimentel

SKETCHES - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi kahapon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang artikulo na nagsasabing may cancer umano si Pangulong Rodrigo Duterte kaya ito nagtungo sa China upang magpagamot.

Nakatitiyak si Pimentel na walang itinatago ang Pangulo kabilang na ang totoong lagay ng kanyang kalusugan.

“Hindi (walang cancer). Alam mo kung totoo yun, sinabi na ng Presidente yun. Si President, walang itinatago lalo na sa kanyang katawan at sa kanyang state of health, bakit niya ikahihiya yun?” pahayag ni Pimentel.

Mismong ang Pangulo na umano ang umamin na may mga nararamdaman itong sakit sa katawan na nomal lamang

Bukod pa umano sa mga normal na nararamdamang sakit ng Pangulo dahil sa kanyang edad, nagkaroon rin ito ng aksidente sa motorsiklo na nakaapekto sa nerve sa kanyang leeg.

 “Let us believe the President when he says that he has the aches and pains of an ordinary 71 year old Filipino male, plus the fact that there is something wrong with a nerve on his neck because of the motorcycle accident,” pahayag ni Pimentel.

 Ayon kay Pimentel, mismong ang Pangulo pa nga ang nagsiwalat kung anong uri ang kanyang iniinom para sa kanyang sakit at palagi itong tapat tungkol sa kanyang pisikal na kondisyon.

DIGONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with