MANILA, Philippines - Hindi nababahala si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na mapalitan siya sa puwesto sa gitna ng isyu na may mga hindi natutuwa sa kanyang pamamahala bilang lider ng Senado.
Ayon kay Sen. Pimentel, normal lamang na hindi lahat masaya ang mga miyembro sa anumang collegial body o at kahit pa sa isang klase na may 40 estudyante.
“Syempre in any collegial body, I don’t think there would be one hundred percent happiness in each member. Okay na yun. Even in a Grade school class of 40, everybody does not get 100 in the report card, ganun naman yun eh. If it’s a petty matter, let’s not talk about it,” sabi ni Pimentel.
Aniya, hindi niya pinapansin ang mga maliliit na isyu at ang mahalaga ay ang suporta ng 13 senador.
Idinagdag ni Pimentel na kung may isang senador na makakakuha ng suporta ng 13 nilang kasamahan ay ito ang dapat mamuno ng Senado.
“So if there is a new senator who has the support of at least 13, then he should lead the Senate, ok lang po yun,”ani Pimentel.