Duterte sa gov’t agencies tumulong sa Miss U hosting
MANILA, Philippines – Iniutos kahapon ng Malacañang sa lahat ng government agencies na tumulong upang maging matagumpay ang pagiging host ng Pilipinas sa Miss Universe beauty pageant sa Enero 30.
Nakasaad sa Memorandum Circular No. 13 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi dapat maantala ang trabaho ng mga ahensya at hindi rin gagamit ng public funds.
Batay sa MC no. 13, kung kinakailangan ay maaaring hingin ng Department of Tourism (DOT) ang suporta ng isang departamento, bureau, office, agency o anumang instrumentality ng gobyerno kabilang na ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs).
Hinihikayat din ng Malacañang ang mga local government units (LGUs) na tumulong din sa DOT. Ang Miss Universe 2016 ay gaganapin sa ?January 30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Officials concerned shall adopt such measures as may be necessary to ensure that there will be no disruption of work and services in their respective offices by reason thereof,” nakasaad pa sa memorandum.
- Latest