Puno ng niyog bawal nang putulin

Sinabi ni PCA Administrator Billy Andal na napapanahong maipatupad ang moratorium dahil hindi naman sinusunod ng mga namumutol ng puno ng niyog ang sinasaad ng RA 8048 na maiayos ang pag-iisyu ng permit at clearance sa mga coco loggers.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Simula kahapon ay ipinagbabawal nang putulin ang mga puno ng niyog sa buong bansa.

Inihayag ito ng Phi­lippine Coconut Autho­rity (PCA) dahil epektibo kahapon ang simula ng moratorium sa pagputol ng puno ng niyog na tatagal ng tatlong buwan mula ngayong Enero.

Sinabi ni PCA Administrator Billy Andal na napapanahong maipatupad ang moratorium dahil hindi naman sinusunod ng mga namumutol ng puno ng niyog ang sinasaad ng  RA 8048 na maiayos ang pag-iisyu ng permit at clearance sa mga coco loggers.

Anya, mas maraming puno ng niyog sa ngayon ang napuputol kaysa sa naitatanim.

Kung hindi anya gagawin ang moratorium ay nanganganib na bumagsak ang coconut industry sa bansa.

Show comments