Target maging tulad ng BBC
MANILA, Philippines – Makikipagsabayan na ang PTV 4 sa mga network giants sa taong ito at sisikapin ng Presidential Communications Office (PCO) na maging katulad ito ng British Broadcasting Corporation (BBC), ayon kay PCO Sec. Martin Andanar.
“I’ve spoken to the Australian Embassy and the British Embassy. They’re willing to, in fact they are already talking to our counterpart state media, in ABC and BBC and they should be sending a team to help us out,” wika pa ni Sec. Andanar.
Sinabi pa ni Sec. Andanar, sisikapin din ng kanyang tanggapan na maging competitive din ang PTV 4 sa taong ito lalo kapag naipasa na ang People’s Broadcasting Corporation na mag-iintegrate sa Radyo ng Bayan at PTV 4 na kasalukuyang pending sa Kongreso.
Aprubado na ni Pangulong Duterte ang integration ng Radyo ng Bayan at PTV4 sa pamamagitan ng People’s Broadcasting Corporation.
Inaprubahan na din ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paggamit ng Bureau of Broadcast sa 87.5 FM bilang government FM station.
Aniya, hindi lamang pagsisikapan ng PCOO na maging modern ang kagamitan ng PTV4 kundi sumailalim din ng re-training ang mga tauhan nito sa pamamagitan ng scholarship program ng PCOO para sa modernong broadcasting at management sa ibat ibang partner countries.
Magugunita na isinisingit ni Andanar ang pagdalaw sa ibat ibang government tv networks sa mga bansang dinadalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng CCTV sa China at Asahi TV sa Japan.