^

Bansa

Pagsalubong sa Bagong Taon payapa - PNP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Pagsalubong sa Bagong Taon payapa - PNP
Makukulay na fireworks ang nasilayan sa dambana ni Dr. Jose Rizal sa Luneta kung saan ipinagdiwang ng karamihan sa mga Pinoy ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines – Naging mapayapa sa kabuuan ang pagsalubong sa Bagong Taon, base sa pagtaya ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, sa nasabing pagdiriwang walang naitala ang Police Regional Offices ng mga untoward incidents na nangyari maliban sa ilang tinamaan ng ligaw na bala.

Sa tala ng pulisya, kabu­uang 15 katao ang naaresto na may kaugnayan sa paglabag sa pagdadala ng baril. Siyam din ang naitalang kaso ng stray bullet.

Sabi ni dela Rosa, ang PNP ay agresibo sa pagpapatupad ng batas laban sa indiscriminate firing at illegal discharge of firearms.

Sa katunayan, nagbabala na umano siya sa kapulisan na kapag napatunayang lumabag ang kapulisan sa nasabing direktiba ay kanyang bibigyan ng karampatang pagdidisiplina o sisibakin sa puwesto maging ang hepe o station commander sa lugar kung hindi maresolba sa loob ng 24 oras kung sino ang suspek.

Samantala, binati naman ng heneral ang PNP, Department of Health at iba pang government agencies at local government units sa tagumpay ng pangkalahatang kampanya para mabawasan ang mabiktima ng paputok sa holiday season.

Pinatunayan anya dito ang ulat ng DOH na 60 porsiyento ang nabawas sa firecracker related medical emergency cases sa buong kapulungan kumpara sa limang taong ave­rage na naitala noong 2010.

Ang ganito anyang pagbaba ng porsiyento ay mai-attribute sa pagiging vigilante ng kapulisan kasama ang suporta ng komunidad sa pagpapatupad ng pagbabawal laban sa iligal na paputok at pagpapaputok ng baril.

Sa tala ng PRO, nasa 18 katao ang inaresto dahil sa distribusyon at pagbebenta ng iligal na mga paputok. Habang nasa 11 naman ang naaresto base sa natanggap na tawag mula sa PNP 911 police emergency hotline sa iba’t-ibang units.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with