Leyte bombing drug-related--Duterte
MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kagagawan ng terorismo o mga rebelde ang nangyaring pagsabog sa Hilongos, Leyte kamakalawa ng gabi kundi ito ay drug-related.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa interview ng ANC kahapon sa Malacanang, drug-related ang naganap na pagsabog sa Hilongos, Leyte kung saan ay mahigit 30 katao ang nasugatan habang nanonood ng pa-boksing sa Plaza bandang alas-9:00 kamakalawa ng gabi.
Sinabi naman ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa media briefing sa Malacañang, na bibigyan ng P5,000 cash ang bawat nasugatan sa pagsabog bukod sa paniniguro na walang babayarang hospital bill ang mga ito.
Magugunita na masayang nanonood ng pa-boksing ang mga biktima sa Hilongos municipal plaza kaugnay ng pagdiriwang ng Hilongos festival nang maganap ang pagsabog sanhi umano ng isang Improvised Explosive Device (IED).
Samantala, 7 katao naman ang nasugatan sa hiwalay na explosion sa Aleosan, North Cotobato kamakalawa ng gabi. Sumabog ang Improvised Explosive Device (IED) sa national highway sa Sityo 2, barangay Pagangan, Aleosan, Cotobato.
Ayon sa pulisya, bandang alas-9:15 kamakalawa ng gabi ng sumabog ang IED habang dumadaan ang isang cargo truck na may kargang coal patungong Davao City.
Tinamaan ng sharpel ang driver na si Gamay Jamal at kanyang mga pasahero na sina Amerol Musa Tantos, Hanep Alipa Ayon, Yahya Kasan, Pahmi Daya Diamla, Johary Amerol, at Salman Tahir.
- Latest