^

Bansa

Pagpapatalsik ni Goldberg kay Duterte pinabulaan ng US Embassy

Pilipino Star Ngayon
Pagpapatalsik ni Goldberg kay Duterte pinabulaan ng US Embassy

Dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg. Philstar.com/AJ Bolando, file

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng United States Embassy sa Maynila ang ulat na pinaplano ni dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang pagpapatalsik sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"As Secretary Kerry said in his meeting with President Duterte in July, the United States respects the sovereignty of the Philippines and the democratic choices made by the Philippine people in selecting their leaders," pahayag ni US Embassy press attache Molly Koscina.

Isang balita ang inilathala sa dyaryo na may pamagat na "US ex-envoy plotting Duterte fall – source."

Ayon sa ulat ay nag-iwan ng "blueprint to undermine Duterte" si Goldberg na gugulong ng isa’t kalahating taon.

Iginiit ni Koscina na patuloy ang pagpapatibay ng samahan ng dalawang bansa na tumagal nan g 70 taon.

"We continue to focus on our broad relationship with the Philippines, and will work together in the many areas of mutual interest to improve the livelihoods of the Philippine people and uphold our shared democratic values," dagdag ng press attache.

Plano umano ni Goldberg na ipamukha sa publiko ang mga hindi natupad na pangako ni Duterte noong nangangampanya pa lamang.

Ipinawalangbahala naman ito ng Malacañang dahil sa mataas na trust rating na nakuha ng Pangulo sa pinakabagong Social Weather Stations survey.

 “The president continues to enjoy the trust of the people, and the people on the ground apparently appreciate what he’s doing,” sabi ni Presidential spokesperson Abella.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with