^

Bansa

‘71 probinsya communist insurgency free na’ – AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 71 lalawigan sa bansa ang nalinis na sa hanay ng karahasang inihahasik ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo  Año sa ulat nito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-81 taong anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan na maitutu­ring na ‘conflict manageable“ at handa na sa pagsulong ng kaunlaran ang mga lalawigang nalinis sa matitinding karahasan at terorismo na inihahasik ng mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Año, sa taong 2016 lamang ay nasa anim pang probinsya ang naideklarang  kontrolado na ang communist insurgency na kinabibilangan ng Agusan del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Compostela Valley, Quezon at Occidental Mindoro.

Sinabi ni Año na sa pagdiriwang ng AFP anniversary ay kanilang maipagmamalaki ang pa­tuloy na tagumpay sa misyong maipatupad at mapanatili ang matibay na alyansa para sa ikatatamo ng kapa­yapaan.

Idinagdag pa ng opis­yal na ipagpapatuloy nito ang pagharap sa mga hamon para higit pang mapatatag ang AFP.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with