^

Bansa

Alamang at tahong sa 10 baybayin bawal kainin ngayong holiday season

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng alamang at shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan na mula sa 10 baybayin sa bansa.

Ayon sa BFAR, ang mga lugar na sakop ng shellfish ban ay ang baybayin sa  Irong Irong at Cambatutay bay sa Western Samar, Matarinao bay sa Eastern Samar, Calubian at Caragian bay Leyte, baybayin ng Naval, Biliran island province, Gigantes island sa Carles, Iloilo, baybayin ng Dauis at Tagbilaran City Bohol.

Paalala ng BFAR na ang mga mahuhuli namang isda, alimango, hipon at pusit ay kailangang linising mabuti at alisin ang bituka bago lutuin at kainin.

Ligtas naman sa red tide ang  Manila bay kaya’t libreng kainin ngayong holiday ang talong, halaan at talaba sa mga baybayin ng Cavite, Bulacan, Navotas, Las Piñas, Parañaque at Bataan.

MARK BORBORAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with