^

Bansa

‘Nina’ hahagupit!

Joaquin M. Henson - Pilipino Star Ngayon
‘Nina’ hahagupit!

Ipinapakita ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja ang lokasyon ni tropical storm Nina na nagbabantang manalasa sa Bicol at Eastern Samar ngayong kapaskuhan. Boy Santos

MANILA, Philippines - Posibleng lumakas pa at maaaring maging ma­tindi ang bagyong Nina bago ito mag-landfall sa bahagi ng Bicol ngayong Pasko.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Obet Badrina, posibleng magtaas ng Tropical Cyclone Warning Signal number 2 o 3 sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Nagbabala naman si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ricardo Jalad sa malalakas na pag-ulan at hangin ng bagyong Nina.

Ayon kay Jalad, ang tropical cyclone na maaa­ring maging malakas na bagyo (118 hanggang 220 KPH) ay tatama sa kalupaan ng Bicol Region sa linggo ng hapon o gabi (Disyembre 25).

Ang bagyong Nina ay nakaambang tumawid sa Southern Luzon kabilang ang Metro Manila at lalabas sa kalupaan via Bataan-Zambales area.

Nagbabala si Jalad sa malalakas na paghangin na posibleng ikawasak ng mga istraktura, ikabuwal ng mga puno at billboards.

Inaasahan rin ang storm surge sa mga baybayin ng Quezon, Bicol, Samar kapag naging mabalasik ang bagyong Nina.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Jalad sa mga sasakyang pandagat na ipagpaliban na muna pansamantala ang mga pagbiyahe bunga ng masamang panahon lalo na sa karagatan ng Bicol Region at maging sa Samar area.

Samantala, mararanasan ang mga malalakas na pag-ulan sa Metro Manila sa Lunes hanggang Martes.

Base sa alas-11 weather forecast ng PAGASA, si Nina ay namataan sa layong 790 kilometro sa Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 105 kilometer per hour malapit sa gitna at bugso ng 130 kph.

Ang inaasahang dami ng ulan na ibabagsak nito ay mula katamtaman hanggang matinding pag-ulan sa loob ng 350 km diameter ng bagyo.

Mapanganib din sa mga nagbibiyahe sa karagatan sa bahagi ng northern seaboard ng Nothern Luzon. Nagbabala rin ang kagawaran sa mga maapektuhang lugar ng posibleng pagguho ng lupa, pagbaha at mataas na alon.

Ang bagyong Nina ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) dakong alas-3 ng madaling araw ng Biyernes.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Miyerkules.

ADELINE DUMAPONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with