De Lima kay Duterte: Tigilan na ang pag-inom ng droga
MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Sen. Leila de Lima na dapat itigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-inom ng droga na nagiging dahilan umano ng kanyang kahibangan at paranoia.
Ayon kay de Lima, si Duterte dapat ang nasa “top list” ng mga taong umiinom ng “addictive drug” dahil umiinom ito ng Fentanyl na nagiging sanhi kung bakit umano siya nagiging paranoid.
Ipinagmalaki pa ni de Lima na kahit isang beses ay hindi siya nag-take ng kahit na anong klaseng “addictive drug”.
Sinabi pa ni de Lima na nakakaapekto umano sa Pangulo ang Fentanyl dahil ang tingin nito sa lahat ay drug addict o kaya ay drug lord.
Tinawag rin ni de Lima na “hilarious” ang diumano’y murderous effect ng Pangulo kung saan halos buong Philippine National Police at vigilante squads ay sumusunod sa utos ng Pangulo na pumatay.
“This is already all so hilarious if not for its murderous effect with the whole PNP and vigilante squads following his command to kill, kill, kill,” ani de Lima.
Ayon pa kay de Lima, “drug-induced” ang imaginations ng Pangulo na aminado na gumagamit at dependent sa Fentanyl.
“It’s incredible how people continue to believe Duterte’s drug-induced imaginations in who among politicians are drug lords and drug coddlers, after admitting he himself is dependent on the drug Fentanyl,” ani de Lima.
- Latest