MANILA, Philippines - Kinondena ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bigyan konsiderasyon ang mga maliliit na scale miners sa bansa sa halip na takutin ang mga ito na ipasasara at mawawala ang dekadang pinagkukunan nila ng kabuhayan.
Ayon kay Zarate, parang pabor lamang sa mga malalaking korporasyon ng pagmimina ang Mining Act of 1995.
Sinabi ni Zarate, hindi maaring balewalain ng DENR ang mga operasyon ng mga small scale miners at sabihin iligal sila para ipahinto. Ito ang kabuhayan ng libu-libong mga tao na henerasyon na ang tinagal partikular sa Cordillera.
“Sec. Gina Lopez must heed the plight of the ordinary small-scale miners. Instead of closing them down, it must push for the modernization of our small-scale mining industry and support more healthful and ecological practices in mining. We seek the support of our small-scale miners for the crafting of a more progressive, pro-people, and pro-environment mining law that will help propel our country to industrialization and at the same time also pays due support and recognition to small-scale, traditional miners that had eked out a living from our minerals for centuries,” sabi ni Zarate.
Pinagpupulungan ng Committee on Natural Resources ang comprehensive bill para palitan ang Mining Act of 1995.