MANILA, Philippines – Lagpas kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing naapektuhan ng pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations ngayong ikaapat na quarter ng taon ay tinanong nila ang 1,500 respondents ng: “Ang nakagawiang pagmumura sa publiko ni Pang. Rodrigo Duterte ng mga banyagang opisyal na hindi niya gusto ay nakakasama sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa o institusyon ng mga opisyal na ito.”
Umabot sa 51 percent ang nagsabing apektado ang bansa sa pagmumura ng Pangulo, kung saan 27 percent dito ang nagsabi ng “strongly agree at 24 percent ang “somewhat agree.”
BASAHIN: SWS: Nasisiyahan kay Duterte sa Mindanao nabawasan
Sa kabila nito ay 33 percent naman ang nagsabing hindi naaapektuhan ang relasyon ng bansa sa pagmumura ng Pangulo, habang 17 percent ang “undecided.”
Ipinaliwanag naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin M. Andanar sa Business World na hindi naman personal ang atake ni Duterte sa iba’t ibang opisyal ng mundo.
“The Palace acknowledges that such language may affect international relations, (but) these presidential utterances are not personal attacks directed at particular persons, but mere expressions on the many unresolved and unaddressed issues in the country.”
BASAHIN: Duterte kabilang sa 74 Most Powerful People ng Forbes