^

Bansa

Pagmumura ni Duterte naaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa - SWS

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon
Pagmumura ni Duterte naaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa - SWS

MANILA, Philippines – Lagpas kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing naapektuhan ng pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations ngayong ikaapat na quarter ng taon ay tinanong nila ang 1,500 respondents ng: “Ang nakagawiang pagmumura sa publiko ni Pang. Rodrigo Duterte ng mga banyagang opisyal na hindi niya gusto ay nakakasama sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa o institusyon ng mga opisyal na ito.”

Umabot sa  51 percent ang nagsabing apektado ang bansa sa pagmumura ng Pangulo, kung saan 27 percent dito ang nagsabi ng “strongly agree at 24 percent ang “somewhat agree.”

BASAHIN: SWS: Nasisiyahan kay Duterte sa Mindanao nabawasan

Sa kabila nito ay 33 percent naman ang nagsabing hindi naaapektuhan ang relasyon ng bansa sa pagmumura ng Pangulo, habang 17 percent ang “undecided.”

Ipinaliwanag naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin M. Andanar sa Business World na hindi naman personal ang atake ni Duterte sa iba’t ibang opisyal ng mundo.

“The Palace acknowledges that such language may affect international relations, (but) these presidential utterances are not personal attacks directed at particular persons, but mere expressions on the many unresolved and unaddressed issues in the country.”

BASAHIN: Duterte kabilang sa 74 Most Powerful People ng Forbes

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with