‘Let the debates begin on Cha-cha’ – Drilon

Ayon kay Sen. Drilon, chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes, sa Disyembre 8 magsisimula ang kanyang komite sa pagtalakay sa kontrobersiyal na panukala dahil tapos na nila ang 2017 national budget.
PRIB Photo/Joseph Vidal

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon na sisimulan na sa susunod na linggo ang pagtalakay ng Senado sa Charter Change (Chacha).           

Ayon kay Sen. Drilon, chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes, sa Disyembre 8 magsisimula ang kanyang komite sa pagtalakay sa kontrobersiyal na panukala dahil tapos na nila ang 2017 national budget.

Wika pa ni Drilon, alam ng kanyang komite ang kahalagahan ng nasabing panukala na kabilang sa isinusulong ng kasaluku­yang administrasyon.

“This committee understands the importance of this undertaking in the agenda of the current administration so we will ensure that it is given the utmost priority,” paliwanag pa ni Drilon.

Tiniyak ni Drilon na papakinggan ang lahat ng opinyon ng iba’t ibang sektor tungkol sa isyu ng Cha-cha.

Kabilang sa mga inim­bitahan ng komite ni Drilon bilang mga resource persons sina dating Chief Justices Hilario Davide Jr., Reynato Puno at Artemio Panganiban; dating Supreme Court associate justices Adolfo Azcuna, Antonio Nachura, at Vicente Mendoza; mga kilalang Constitutional experts na sina Fr. Joaquin Bernas at Atty. Christian Monsod; at dating Senate President Aquilino Pimentel Jr.

Iimbitahan din ng ko­mite ang ilang miyembro ng gabinete kabilang si Executive Secretary Salvador Medialdea at Makati Business Club chairman Ramon Del Rosario Jr.

Show comments