Pangulong Duterte, hinimatay?
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Special Assistant to the President Bong Go ang kumakalat na ulat na hinimatay umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahapon ng umaga.
Sa isang maiksing text message, sinabi ni Sec. Go na negative ang nabanggit na ulat at wala itong katotohanan.
Batay sa official schedule ni Pangulong Duterte kahapon, sunod-sunod ang mga makakapulong nito hanggang alas-7:00 ng gabi.
Pero sa isang hiwalay na statement ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinansela ang scheduled meeting ng Pangulo sa mga Bangladeshi officials dahil umano sa mahalagang bagay na kailangan ang agarang atensyon.
- Latest