Mga sugatang sundalo inayudahan ni Duterte
MANILA, Philippines – Namahagi ng tulong pinansiyal si Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa sa 13 sundalo na naka-confine sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo.
Nakipag-usap ang Pangulo sa mga sundalong nakaenkuwentro ng Abu Sayyaf group sa Sulu at nakapanayam rin nito ang pamilya ng mga namatay dahil sa bakbakan.
Binigyan ng Pangulo ng tig-P100,000 financial assistance (SFA) at karagdagang P10,000 cash ang bawat isa sa 13 sugatan.
Ang pamilya ng mga namatay ay nakatanggap ng tig-P250,000 special financial assistance (SFA) at karagdagang P20,000 cash.
Lahat ng mga nasugatan at pamilya ng mga namatay ay nakatanggap din ng karagdagang financial assistance mula sa Armed Forces of the Philippines na ibinigay din mismo ng presidente.
Kabilang sa mga sugatan at naka-confine sa ospital mula Nobyembre 18 ay sina 2nd Lt. John Paul Bacsain, Ssg. Abdunnur Said, Cpl. Arasad Kahil, Sgt. Ramon Medel, Cpl. Julius Montealto, Cpl. Jeffrey Barino, Cpl. Saldi Sabdani, Cpl. Luisito Bago, Pfc. Alizon Ayoman, Ssg. Aasam Abdulmajid, Sgt. Danny Sakiri, Pfc. Jurich Givero, at Pfc. Muhaliddin Mariga.
Napatay naman sa engkwentro sina Sgt. Sikal Akjam, Sgt. Abrojer Sakili, and Pvt. Joel Decierdo, Cpl. Ronnie Navarro.
Nagtungo rin ang Pangulo sa Zamboanga para bisitahin at bigyan rin ng tulong ang mga sundalong nasugatan sa engkuwentro sa Sulu at naka-confine naman sa Camp Don Basilio Navarro General Hospital inside the Western Mindanao Command Headquarters.
Personal na iniabot ng Pangulo ang tig P100,000 special financial assistance (SFA), karagdagang P10,000 at Glock 30 pistol sa bawat isa sa siyam na sundalo.
- Latest