^

Bansa

Dayan hawak ng pulitiko - DOJ

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Dayan hawak ng pulitiko - DOJ
“We were told that Ronnie Dayan is being protected by some high public officials in his home province of Pangasinan and other northern provinces up to Baguio. Diyan siya nagtatago, diyan siya nagpapa-lipat-lipat,” ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Geremy Pintolo, file photo

MANILA, Philippines – Isang mataas na opis­yal umano sa Northern Luzon ang nagkakanlong at nagtatago sa dating driver/bodyguard at umano’y ‘bagman’ ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos ang patuloy nitong pagtatago sa kabila ng subpoena at warrant of arrest na ipinalabas ng House Committee on Justice laban sa kanya.

“We were told that Ronnie Dayan is being protected by some high public officials in his home province of Pangasinan and other northern provinces up to Baguio. Diyan siya nagtatago, diyan siya nagpapa-lipat-lipat,” ayon kay Aguirre.

Nabatid na huling nakita ng kanyang pamilya si Dayan noong nakalipas na Hulyo.

Sinabi ng kapatid na babae ni Dayan na alam nila ang umano’y naging relasyon nito kay de Lima dahil inamin umano ito sa kanila ni Dayan.

Nanawagan rin ang kapatid ni Dayan na hindi binanggit ang pangalan na lumabas na ito kung siya ay buhay pa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nababahala rin ang pamilya ni Dayan na ma­ging mitsa ng buhay nito ang P1 milyon pabuya na kinalap ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kapalit ng impormasyon para sa kanyang pagkakaaresto.

Samantala, mayroon ng sinusundang lead ang NBI sa kinaroroonan ni Dayan.

Pero sinabi ni NBI Deputy Director Francis Lavin sa pagharap sa Kamara na hindi umano niya maaring idetalye sa mga kongresista ang kanilang operational procedure at hawak na lead dahil ayaw nilang masunog ang kanilang operasyon.

Sinabi pa ni Lavin na ayaw din nilang makompromiso ang kaligtasan ng kanilang impormante na tumutulong sa pagtunton kay Dayan.

Mayroon na rin umano silang teams na kumikilos sa iba’t ibang panig ng bansa para tuntunin si Dayan subalit sa tingin ni Lavin ay binabantayan din nito ang kanilang galaw. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)

JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with