MANILA, Philippines – May 10 panibagong biktima ng Zika Virus sa bansa.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, 33 pasyente na ang kasalukuyang minomonitor ng ahensya.
Nabatid na 12 sa mga may Zika virus ay taga - Iloilo; apat sa Bacoor, Cavite; tig-tatlo sa Mandaluyong at Calamba, Laguna; tig-dalawa sa Antipolo, Las Piñas at Muntinlupa habang isa sa Cebu, Quezon City, Makati, Caloocan at Maynila.
Kung bilang sa bawat rehiyon ang pagbabatayan, ang Region 6 o western Visayas ang may pinakamaraming tinamaan ng Zika na 12 tao, pumapangalawa ang National Capital Region na may 11 kaso at ikatlo ang Region 4A o Calabarzon na may siyam habang isa sa Region 7 o central Visayas.
Hinihimok ng DOH ang publiko na maglinis ng kapaligiran at sugpuin ang mga pinamumugaran ng lamok na sanhi ng Zika.