^

Bansa

10 bagong biktima ng Zika virus nasa bansa - DOH

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 10 panibagong biktima ng Zika Virus sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, 33 pasyente na ang kasalukuyang minomonitor ng ahensya. 

Nabatid na 12 sa mga may Zika virus ay taga - Iloilo; apat sa Bacoor, Cavite; tig-tatlo sa Mandaluyong at Calamba, Laguna; tig-dalawa sa Antipolo, Las Piñas at Muntinlupa  habang isa sa Cebu, Quezon City, Makati, Caloocan at Maynila.

Kung bilang sa bawat rehiyon ang pagbabatayan, ang Region 6 o western Visayas ang may pinakamaraming tinamaan ng Zika na 12 tao, pumapangalawa ang National Capital Region na may 11 kaso at  ikatlo ang Region 4A o Calabarzon na may  siyam habang isa sa Region 7 o central Visayas. 

Hinihimok ng DOH ang publiko na maglinis ng kapaligiran at sugpuin ang mga pinamumugaran ng lamok na sanhi ng Zika. 

ZIKA VIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with