^

Bansa

PNR, magsasagawa ng expedition trip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PNR, magsasagawa ng expedition trip
Nakatakdang magsagawa ng expedition trip ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) upang alamin ang kondisyon ng kanilang riles mula Maynila hanggang Naga sa Bicol.
File photo

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng expedition trip ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) upang alamin ang kondisyon ng kanilang riles mula Maynila hanggang Naga sa Bicol.

Ito’y kasunod ng plano nilang ibalik ang biyahe ng kanilang mga tren sa naturang ruta ngayong Disyembre 15.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Cesar Chavez, ang naturang “expedition trip” sa may 377 kilometrong riles ay isasagawa nila sa Nobyembre 18.

Sa pamamagitan aniya nito ay mapag-aaralan nila kung maaaring muling makabiyahe ang kanilang mga tren mula Maynila hanggang sa Bicol.

Nabatid na inabisuhan na ni Chavez ang mga residente na malapit sa riles na alisin na ang mga nakahambalang dito.

Ilang parte kasi ng riles ang natukoy na ginagawa nang laruan at inuman ng mga residente, habang may ilan din umanong nagtayo na ng tent sa riles, na nagsisilbi nang harang doon.

Matatandaang ang nasabing biyahe na mula sa Tutuban sa Maynila hanggang sa Legaspi City, Albay ay nahinto noong taong 2012 matapos madiskaril ang isa sa mga tren nito sa Quezon na ikinasugat ng siyam na pasahero.

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with