MANILA, Philippines – Wala na umanong saysay ang nilagdaang judicial affidavit ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa matapos siyang mapaslang.
Sinabi ni Atty. Rosario Setias-Reyes, national president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP,) wala nang tinatawag na probative value ang judicial affidavit ni Espinosa.
Nangangahulugan lamang umano ito na hindi na ito magagamit bilang ebidensya sa hukuman.
Ang judicial affidavit kapag iprinisinta sa korte ay kinakailangang patotohanan ng affiant na nag-execute nito.
Gayunman, naniniwala si Reyes na ang impormasyon na isiniwalat ni Espinosa sa kanyang affidavit ay maari pa namang maipursige at maimbestigahan para hindi tuluyang masayang.
Una nang naiulat na mahigit sa 50 personalidad ang pinangalanan ni Espinosa na protektor at sangkot sa kalakaran ng illegal na droga sa bansa.