Free entrance sa museo at iba pa hiling ni Rep. Revilla
MANILA, Philippines - Isinusulong ni Rep. Strike B. Revilla ng 2nd destrict ng Cavite ang panukalang batas na libreng admission sa mga makasaysayang lugar at museo sa lahat ng estudyante ng elementarya.
Sa isinumiteng panukala ni Rep. Revilla na House Bill 3820 ay walang bayad ang pagpasok sa mga lugar na makasaysayan tulad ng National Museum o National Historical Commission of the Philippines ang mga mag-aaral.
“Tulad ng sabi ni Dr. Jose Rizal, ‘ang kabataan ang pag asa ng ating kinabukasan,” kailangan nating ipabatid sa mga bata ang magagandang aral at kung gaano kayaman ang ating bayan,” pahayag ni Rep. Revilla.
“Itaguyod natin ang edukasyon at pagmamahal sa sariling bayan sa pamamagitan ng libre nilang pag bisita sa mga makasaysayang lugar upang tumatak sa isip nila na sila ang ating pag-asa sa kinabukasan,” dagdag pa ng solon ng Bacoor City.
Magugunita na ang Bacoor City ay nakatanggap ng mga prestisyosong parangal tulad ng Good Seal of Local Governance sa magkasunod na taong 2014-2015 at 2015-2016.
Nakatanggap din ang dating alkalde ng Gawad Parangal - Most Outstanding Mayor for Luzon, Meralco Luminaries-Most Outstanding Local Government Unit at marami pang iba.
- Latest