Espinosa killing pinai-imbestigahan na ng Malacañang

MANILA, Philippines – “Under investigation” na ang kaso ng pagkakapatay kay Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr, ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Tumanggi namang magbigay ng komentaryo si Abella sa tanong kung hindi ba nagsususpetsa ang Malacanang sa nangyayaring pagpaslang sa mga opisyal ng gobyerno at mga personalidad na iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga bago pa madala ang kaso nila sa korte.

“Wala po tayong comment regarding that, whether it’s suspicious or not. All we know is that all of these matters are under investigation right now,” ani Abella.

Show comments