^

Bansa

Lacson duda pagkamatay ni Espinosa, amoy EJK

DIRECT LINE - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lacson duda pagkamatay ni Espinosa, amoy EJK
“Offhand, I can smell EJK (extra-judicial killing), and I base my conclusion on the circumstances that surround the killing,” ani Senator Panfilo Lacson na dating hepe ng Philippine National Police (PNP).
PCOO/Robert Viñas, File

MANILA, Philippines – Malaki ang hinala ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na biktima ng extrajudicial killing si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., dahil na rin sa “circumstances” ng pagkamatay nito.

“Offhand, I can smell EJK (extra-judicial killing), and I base my conclusion on the circumstances that surround the killing,” ani Lacson na dating hepe ng Philippine National Police (PNP).

Nais ni Lacson na isulong sa pagbabalik ng sesyon bukas (Lunes) ang posibleng pagbubukas ng imbestigasyon ng EJK ng Senate committee on justice na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon kung saan maaring ituon ang pagdinig sa kaso ni Espinosa.

Ang pangunahing inte­rest umano ni Lacson ay ang posibilidad na nagkakaroon ng cover-up upang pagtakpan ang ilang personalidad sa father-and-son payola bilang motibo sa pagpatay kabilang na ng kanilang abogado.

“My primary interest is in the possibility of cover-up for certain personalities in the father-and-son payola as the motive for the killing, not only of the mayor but even the lawyer earlier this year,” ani Lacson.

Naniniwala si Lacson na ang isang bilanggo sa loob ng selda katulad ni Espinosa ay hindi makakaisip na manlaban sa mga police officers na magsisilbi ng warrant of arrest.

Nagtataka rin si Lacson kung bakit ang mga CIDG officers at hindi ang mga court personnel o kaya ay sheriff ang magsisilbi ng warrant gayong nakakulong na ang kanilang aarestuhin.

Ipinagtataka rin ni Lacson kung bakit kailangan pang bigyan ng warrant si Mayor Espinosa ga­yong maari naman silang makipag-coordinate na lamang sa warden.

Ayon pa kay Lacson, tanging si Espinosa lamang ang nasa loob ng selda ng ito ay mapatay kaya walang ibang maaring magsilbing testigo.

Kaugnay nito, hinamon ni Lacson ang mga awtoridad na sagutin ang kanyang mga tanong upang mapaniwala siya sa kanilang istorya.

“Now, I dare them to ans­wer these questions and more in order to convince me to believe their story,” dagdag ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson, ang nasabing insidente ay magsisilbing pinakamalaking hamon sa kredibilidad ng PNP na maa­ring makaapekto sa iba pa nilang operasyon kaugnay sa mga drug suspects na napatay sa kahalintulad na pangyayari.

“I think that incident is the biggest challenge to the credibility of the PNP that could affect even the other operations involving drug suspects killed under similarly suspicious circumstances,” pahayag ni Lacson.

SENATOR PANFILO “PING” LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with