Kerwin maibabalik na sa Pinas
MANILA, Philippines – Inaasahang maibabalik na sa bansa mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) ang number 1 drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa, maaaring sa susunod na linggo ay maibalik na ng mga sumusundong opisyal ng PNP si Espinosa sa bansa. Si Kerwin ay nasakote ng mga awtoridad ng Pilipinas sa tulong ng Abu Dhabi Police sa UAE noong Oktubre 17 matapos itong matukoy na nagtatago doon. Sinabi ni dela Rosa na sa pagtuntong pa lamang ni Kerwin sa Pilipinas ay agad nila itong ite-turnover sa korte na nag-isyu ng warrant of arrest at hihintayin rin ang commitment order kung sa Camp Crame ipakukulong. Tiniyak din ng PNP Chief na todo bantay ang gagawin ng mga pulis kay Kerwin dahilan sa isa itong high value target at maaaring marami ang magtangka sa buhay nito. Nauna nang inaresto ng mga awtoridad ang ama ni Kerwin na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa? umano’y protektor ng anak sa illegal drug trade.
- Latest