Sa Ms. International crown Kylie binati ni Duterte
MANILA, Philippines - Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pinay na si Kylie Verzosa matapos itong koronahan bilang Miss International 2016 sa Tokyo, Japan.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Davao City matapos dumating mula sa kanyang 3-day official visit sa Tokyo, ang pagkapanalo ni Versoza ay patunay lamang ng kagandahan ng mga Filipina.
“Well, of course, I am happy. I am always happy if our beautiful women win all the titles sa --- kasi Filipino tayo eh. It gives us --- konting hambog --- it gives the --- parang mayabang tayo na, o kita mo! Magaganda ang mga --- magaganda ang maraming Pilipina. Pero iyong lahat kayo diyan sa Human Rights Commission mga panget,” wika pa ni Duterte.
Idinagdag pa ni Duterte, nais niyang personal na makaharap si Miss International upang personal niya itong batiin sa kanyang panalo.
Bukod kay Kylie, nanalo rin bilang 1st runner-up sa Miss Grand International si Nicole Cordoves na ginanap sa Westgate International Theater sa Las Vegas kamakailan.
- Latest