MANILA, Philippines - Record breaker umano ang inuwing 19 bilyong dolyar ni Pangulong Duterte mula sa Japan.
Ayon kay Davao Rep. Karlo Alexie Nograles, wala pang nakakagawa sa mga nakalipas na presidente ng Pilipinas mula 1986 ang nagawa ngayon ni Duterte na nakakuha ng nasabing halaga na Official Development Assistance and Business deals sa Japan.
Giit pa ni Nograles, chairman ng Committee on Appropriations ito rin ang pinakamalalaking business conglomerates mula sa nasabing bansa.
Kung idaragdag ang 19 bilyon dolyar na ito sa $24 bilyon pa na bunga ng China trip ng Pangulo ay mahirap na itong tapatan ng kahit sinong presidente.
Hindi umano biro ang 43 bilyong dolyar sa loob lamang ng dalawang linggo lalo at apat na buwan pa lamang sa pwesto si Duterte.
Kumbinsido din ang kongresista na nasa tama ang hakbang ng Pangulo na isulong ang independent foreign policy.
Hindi na rin umano siya magtataka na marami pang puhunan ang dumating bilang pagkilala ng buong mundo na nakapantay ng ibang bansa ang Pilipinas.