^

Bansa

$19-B uwi ni Duterte mula Japan ibinida

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
$19-B uwi ni Duterte mula Japan ibinida
Ayon kay Davao Rep. Karlo Alexie Nograles, wala pang nakakagawa sa mga nakalipas na presidente ng Pilipinas mula 1986 ang nagawa ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha ng nasabing halaga na Official Development Assistance and Business deals sa Japan.
Issei Kato/Pool Photo via AP

MANILA, Philippines - Record breaker uma­no ang inuwing 19 bil­yong dolyar ni Pangulong Duterte mula sa Japan.

Ayon kay Davao Rep. Karlo Alexie Nograles, wala pang nakakagawa sa mga nakalipas na presidente ng Pilipinas mula 1986 ang nagawa ngayon ni Duterte na nakakuha ng nasabing halaga na Official Development Assistance and Business deals sa Japan.

Giit pa ni Nograles, chairman ng Committee on Appropriations ito rin ang pinakamalalaking business conglome­rates mula sa nasabing bansa.

Kung idaragdag ang 19 bilyon dolyar na ito sa $24 bilyon pa na bunga ng China trip ng Pa­ngulo ay mahirap na itong tapatan ng kahit sinong presidente.

Hindi umano biro ang 43 bilyong dolyar sa loob lamang ng dalawang linggo lalo at apat na buwan pa lamang sa pwesto si Duterte.

Kumbinsido din ang kongresista na nasa tama ang hakbang ng Pangulo na isulong ang independent foreign policy.

Hindi na rin umano siya magtataka na marami pang puhunan ang dumating bilang pagkilala ng buong mundo na nakapantay ng ibang bansa ang Pilipinas.

BILYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with