MANILA, Philippines - Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na iiwasan na nito ang pagmumura sa kanyang mga speeches matapos umano siyang kausapin ng ‘Diyos’ habang nakasakay sa eroplano pauwi ng Pilipinas kamakalawa ng gabi.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang arrival statement kamakalawa ng gabi sa Davao City matapos ang 3-araw na official visit niya sa Tokyo, Japan.
Sinabi ng Pangulo, habang nasa eroplano daw siya pauwi ng Pilipinas ay kinausap daw siya ng Diyos na huwag na siyang magmumura kaninuman kundi ay ibabagsak daw niya ang sinasakyan nitong eroplano.
“I was looking at the skies as I was coming over here. And I... everybody was asleep snoring. A voice said that you know ‘If you don’t stop (inaudible), I will bring this plane down now.’ And I said, who is this? Of course, it’s God. Oh, OK. So, I promised God not to express slang, cuss words. You guys hear me right always because a promise to God is a promise to the Filipino people,” wika pa ni Duterte sa kanyang arrival statement.
Pero nang muli siyang tanungin ng mga reporters sa media interview kung titigil na siya sa pagmumura ay sinabi nitong may tamang oras para sa lahat.
“Actually, kung kilala mo ako. magtanong ka sa mga kababata ko. Matagal kaming magkasama. Superman, I can read your mind, ika nga. There is always a time. A time to be foul-mouthed. I don’t like anybody reading my mind. It’s all calibrated, it’s always timing. Watch out for one thing, that’s what I’ve learned, miscalculation,” giit pa ni Duterte.
Pero sa kanyang media interview kamakalawa ng gabi matapos ang kanyang arrival mula sa Japan ay hindi nagmura si Pangulong Duterte.