Courtesy call sa Japanese Emperor kinansela ni Pres. Digong

Pinakansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang courtesy call kay Japanese Emperor Akihito kahapon bilang paggalang at pagrespeto sa pagdadalamhati ng kanilang pamilya sa pagyao ni Prince Miakasa sa edad na 100.
Kimimasa Mayama/Pool Photo via AP, File

MANILA, Philippines - Pinakansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang courtesy call kay Japanese Emperor Akihito kahapon bilang paggalang at pagrespeto sa pagdadalamhati ng kanilang pamilya sa pagyao ni Prince Miakasa sa edad na 100.

Inatasan na ng Pangulo ang kanyang protocol officer upang ipabatid sa Imperial Palace ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Emperor Akihito sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin na si Prince Mikasa.

Samantala, binisita kahapon ni Pangulong Duterte ang Japanese Coast Guard headquarters sa Yokohama.

Ang courtesy call sana ni Duterte kay Emperor Akihito ang kanyang magiging hu­ling event sa 3-day official visit nito sa Japan subalit minabuti na niyang ipakansela ito. Bandang alas-5:00 ng hapon kahapon (Japan time) inaasahang aalis ng Tokyo si Pangulong Duterte pauwi ng Pilipinas.

Show comments